Kalusugan ng mga mag-aaral, mahalagang bantayan ayon sa eksperto
Nasa dalawamput pito punto pitong milyong (27.7M) mag aaral sa buong bansa ang magbabalik eskuwela para sa school year 2018-2019.
Ito ang pagtaya ng Department of education o DepEd.
Ayon sa mga eksperto, mahalagang ingatan ng mga mag aaral ang kanilang kalusugan dahil may malaking epekto ito sa ikapagkakaroon ng malusog na isipan.
Importanteng kumakain ng agahan dahil makatutulong ito upang maging mahusay ang konsentrasyon at memorya.
Kaugnay nito, may hatid na tips si Dr. Rylan Flores, orthopedic surgeon mula sa Delos Santos Medical Center upang mapanatiling malusog ang katawan .
“kapag kayo ay walang nararamdaman –maayos ang katawan natin—aba’y simple lang iyan—ayusin ninyo ung pagkain ninyo—kumain ng sapat, kumain ng tama, kumain sa tamang oras, pangalawa, uminom ng maraming tubig, —tubig ha —hindi kung ano man —tubig —kung uminom kayo ng tubig, 2 – 3 litro maghapon—kung kaya ninyong uminom ng gatas—mas maganda pa—pangatlo—aba’y kumilos kilos kayo, bawal ho ang tamad, at kailangang gumagalaw tayo—we need movement—we need exercises.”
Idinagdag pa ni Dr. Flores na dapat ding tigilan ang bisyo na tulad ng paninigarilyo, pag inom ng alak lalo na ang masamang droga, mahalaga na mayroong sapat na pahinga at higit sa lahat kumunsulta sa manggagamot kapag may nararamdaman.
Ulat ni Bel Surara