Kamangha-manghang larawan ng Hurricane Lane mula sa kalawakan, ipinalabas ng NASA

Ang Hurricane lane na nananalasa ngayon sa Hawaii ay may dala-dalang hangin na aabot sa 120 miles per hour.

Ang bagsik ng hangin na taglay nito ay ipinalabas ng National Aeronautics and Space Administration o NASA habang kamangha-mangha ang pag-ikot ng mata nito sa Central Pacific Ocean malapit sa Hawaii.

Ang mga amazing pictures ay kinuhanan ng Expedition-56 crew members ng International Space Station o ISS mula sa kalawakan.

Ayon kay Astronaut Ricky Arnold, nakuha niya ang mga nasabing larawan umaga ng August 22 habang dumadaan ang kanilang low earth orbit satellite sa Hawaii.

Sa nasabing larawang kuha ng ISS, makikita ang mata ng Hurricane na patuloy ang pag-ikot sa ibabaw ng mga ulap.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *