Kamara balik regular session matapos ang mahigit isang buwang bakasyon
Makalipas ang mahigit isang buwang bakasyon ng mga Kongresista balik na ang Regular session ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Batay sa legislative calendar ng 19th Congress na nakasaad sa House Concurrent Resolution number 5 tatagal hanggang December 16 ang session ng Kamara at muling magbabakasyon ang mga Kongresista kaugnay ng holiday season at magbabalik ang session sa January 22, 2023.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na sa pagbabalik ng session ng Kongreso pagtutuunan ng pansin ng mga kongresista ang pagtalakay at pagpapatibay sa mga nakabinbing priority bills ng Marcos Jr. administration kasama ang ratification ng Bicameral report ng 2023 proposed National budget.
Ayon kay Romualdez inaasahan ng mababang kapulungan ng Kongreso na bago matapos ang buwan ng Nobyembre ay tapos na ng Senado ang kanilang bersiyon sa 2023 Proposed National budget upang ito ay maisalang sa bicameral conference committee bago ang holiday season adjournment sa december 16 at mapirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Vic Somintac