Kamara handang bigyan ng Supplemental budget si Pangulong Bongbong Marcos Jr., para madagdagan ang calamity fund ng pamahalaan
Kung kukulangin na ang calamity fund ng gobyerno dahil sa naganap na malakas na paglindol sa Abra at karatig lalawigan handa ang mababang kapulungan ng Kongreso na magpatibay ng supplemental budget na magagamit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ang inihayag ni Deputy Speaker Ralph Recto dahil nasa 12.8 Billion pesos na lamang ang natitirang calamity fund ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC.
Sinabi ni Recto ang calamity fund ng NDRRMC ay kulang na dahil dito pa kukunin ang gagastusin sa relief and rehabilitation ng mga lugar na pininsala ng malakas na paglindol.
Ayon kay Recto hindi maaring masaid ang calamity fund ng ndrrmc dahil dapat ding paghandaan ang pagpasok ng mga bagyo sa bansa.
Batay sa record ng pag-asa nasa average na 20 bagyo ang pumapasok sa bansa kada taon.
Vic Somintac