Kamara, ikinatuwa ang commitment ng Vietnam na patuloy ang rice export sa Pilipinas
Itinuturing ng House Committee on Agriculture na pinamumunuan ni Congressman Mark Enverga na malaking tulong sa rice sufficiency ng Pilipinas ang Commitment ng Vietnam na tuloy-tuloy ang rice exportation sa bansa.
Sinabi ni Congressman Enverga na isang achievement para sa Pilipinas ang side meeting ni House Speaker Martin Romualdez sa Presidente ng Vietnam National Assembly na si Voung dinh Hue na nangakong hindi puputulin ng Vietnam ang rice exportation sa Pilipinas.
Si Speaker Romuladez ay dumalo sa 44th Asean Inter parliamentary Assembly na ginanap sa Jakarta Indonesia.
Ayon kay Enverga nilimitahan na ng mga bansang India, Cambodia at Thailand ang rice exportation dahil inuuna muna ang kanilang domestic needs sa bigas.
Magugunitang mismong si Pangulong Ferdinand Marcos jr. ay nagpahayag ng pagkabahala sa supply ng bigas sa bansa bunsod ng malaking pinsalang idinulot ng magkasunod na Bagyong Egay at Falcon sa rice production.
Vic Somintac