Kamara ikinatuwa ang pagbagal ng inflation rate sa bansa
Itinuturing ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso na isang magandang senyales sa ekonomiya ang report ng Philippine Statistics Authority o PSA na bumagal ang inflation rate sa bansa.
Batay sa ulat sa bayan ng PSA naitala ang 4.9 percent na inflation rate sa bansa nitong nakalipas na buwan ng Oktubre mababa ng 1.2 percent na inflation rate na 6.1 percent na naitala noong buwan ng Setyembre.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na ang pagbagal ng inflation rate o pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo ay makakatulong ng malaki partikular na sa mga mahihirap na mamamayan.
Ayon pa kay Romualdez ang matitipid ng publiko sa pagbaba ng halaga ng mga bilihin at serbisyo ay magagagamit sa iba pang mahahalagang pangunahing pangangailangan tulad ng pangtustos sa edukasyon at healthcare.
Nangako naman ang liderato ng Kamara na patuloy na isusulong ang mga panukalang batas na may kaugnayan sa pro poor program ng Marcos Jr. Administration.
Tiniyak ni Speaker Romuladez na kaisa ng kasalukuyang administrasyon ang Kamara sa paghahanap ng solusyon upang maprotektahan ang bawat pilipino sa local at global inflationary impacks.
Vic Somintac