Kamara, ikukonsidera ang kahilingan ng DOH na taasan pa ang buwis sa sin products
Pag-aaralan ng House Committee on Ways and Means na itaas pa ang ipinapataw na excise tax sa mga sin product gaya ng sweetened beverages, alak, sigarilyo at vape.
Ayon kay Congressman Joey Salceda, Chairman ng komite, ikukonsidera ng Kamara ang proposal mula sa Department of Health.
Sinabi ni Salceda, bukas ang Kongreso sa posibilidad na itaas ang buwis na ipinapataw sa sweetened beverages para mabawasan din ang demand sa importasyon ng asukal.
Malamig naman si Salceda sa panukalang isulong din ang junk food tax dahil best practice na sa buong mundo na ipatupad ang mahigpit na regulasyon sa halip na mataas na buwis sa pagkain na maaalat.
Tiniyak ni Salceda na ang planong dagdag na buwis sa sin products ay idadaan sa konsultasyon sa mga stakeholders na pagkukunan naman ng pondo para sa Universal Health Care Program ng gobyerno.
Vic Somintac