Kamara, inupakan ang Senado sa pagsusulong ng No-El sa 2019
Inupakan ng liderato ng Senado ang Kamara sa pagsusulong ng People’s Initiative para maipagpaliban ang Eleksyon sa 2019.
Sa pagbubukas ng third regular session, binalaan ni Senate President Vicente Sotto ang Kamara na hindi maaring i-echapwera ang Senado sa anumang hakbang na amyendahan ang Saligang Batas.
Aminado si Sotto na kung pagbabasehan ang numero matatalo ang Senado pero hindi numbers game ang isyu sa pagbalangkas ng mga batas.
Katunayan, kailangan ang counterpart bills ang Senado kapag may isinusulong na panukala sa House of Representatives at kailangan din ang bicameral conference committee at mga joint resolutions bago tuluyang mapagtibay.
Pagtiyak ni Sotto haharangin ng mga Senador ang anumang intensyon o pagkilos ng kamara para mag isang amyendahan ang saligang batas at hindi sila papayag na tuluyang mamanatay ang Senado bilang isang institusyon.
Ulat ni Meanne Corvera