Kamara, lilimitahan lang sa drug-related cases ang papatawan ng death penalty
Nabago na naman ang direksyon ng Kamara sa pagpipilit na maipasa ang pagbuhay sa parusang Death Penalty.
Sa caucus ng Majority sa Kamara, napagkasunduan na limitahan na lang sa drug cases ang papatawan ng parusang kamatayan.
Dahil dyan, natanggal na sa listahan ng may parusang reclusion perpetua to death ang mga kasong plunder, treason at rape.
Aminado si House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na mas madali nilang maipapasa ang death penalty bill ngayong limitado na ito sa drug related cases.
Nilinaw naman ni Umali na ang pagbabago sa mga saklaw ng death penalty ay hindi dahil sa wala pa silang numero kundi ayaw lang daw nilang bumoto ang kanilang mga myembro ng mayroong bagahe.
Kaugnay nito, ipinagpaliban naman ang nakatakda sanang botohan para sa ikalawang pagbasa sa death penalty bill bukas at itinakda ito sa Miyerkules.
Ito ay para bigyang pagkakataon ang Committee Secretariat sa pag-amyenda sa panukalang isasalang sa botohan.
Ulat ni : Madelyn Villar-Moratillo