Kamara, maghaharap ng surprise witness sa imbestigasyon sa paglusot ng ₱6.4B na halaga ng shabu sa BOC
Maghaharap ng surprise witness ang Kamara sa gagawing imbestigasyon sa paglusot ng 6.4 billion pesos na halaga ng shabu sa Green Lane ng Bureau of Customs noong Mayo.
Ang nasabing testigo ay si Larribert Hilario, ang risk management officer ng BOC.
Kinumpirma ni House Majority Leader Rodolfo Farinas na nasa kustodiya na ng Kamara si Hilario at haharap ito sa imbestigasyon bukas ng Dangerous Drugs Committee.
Nakausap na ni Farinas si Hilario ay base sa mga pahayag nito ay makakapagbigay ang opisyal ng linaw sa misteryo ng paglusot ng malaking bulto ng shabu sa BOC.
Ayon kay Farinas, si Hilario ay nasa ilalim ng protective custody ngayon ng Kamara salig sa pag-apruba ni Speaker Pantaleon Alvarez.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo