Kamara may rekomendasyon para maresolba ang malalang problema ng trapik sa Metro Manila
Naniniwala ang Kamara na lalo pang lalala ang problema sa daloy ng trapiko sa mga susunod na taon.
Dahil dito iminungkahi ni Manila Congressman Joel Chua Vice Chairman ng House Committee on Metro Manila Development na ipatupad ng gobyerno ang mass transport system.
Sinabi ni Chua na para mabawasan ang paggamit ng mga pribadong sasakyan na nasisiksikan sa mga kalsada sa Metro Manila paramihin ang mass transportation tulad sa mga mauunlad na bansa.
Ayon kay Chua ang mass transport system ang tanging long term solution sa malalang trapik sa Metro Manila.
Batay sa report ang Metro Manila ang may pinakamalalang problema sa daloy ng trapiko sa buong mundo.
Vic Somintac