Kamara naglatag ng 4 point agenda para mapababa ang presyo ng pagkain sa bansa
Kailangang paghandaan na ng gobyerno ang magiging food inflation sa bansa.
Ito ang inihayag ni House Speaker Martin Romualdez matapos i-ulat ng economic team ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumaba ang economic performance ng bansa sa second quarter ng taong kasalukuyan.
Sinabi ni Romualdez na isa sa pangunahing tinatamaan kapag nagkakaroon ng economic slowdown ay ang sektor ng agrikultura.
Ayon kay Romualdez kapag tinamaan ang agricultural sektor ng economic slowdown nagkakaroon ito ng epekto sa food production na magdudulot ng pagtataas sa presyo ng pagkain.
Inihayag ni Romualdez na binabantayan na ng economic managers ng pamahalaan na ang naitalang 5.4 percent na inflation rate noong Hunyo ay tataas sa mga susunod na buwan dahil sa epekto ng dalawang bagyong dumaan sa bansa na Egay at Falcon na sumira sa mga agricultural products at ang epekto din ng sunod-sunod na pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo na may epekto rin sa pagtataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Ang apat na agenda na inilatag ng kamara para maagapan ang lalo pang pagtaas sa presyo ng pagkain o food inflation ay may kinalaman sa agricultural investments, supply chain enhancement, price monitoring and regulations at import policies.
House of Representatives 4 point agenda to lower food prices;
- Agricultural Investments: We will focus on injecting funds into our agricultural sector, promoting modern farming techniques, and improving storage and distribution infrastructure. This will help increase yield and reduce post-harvest losses.
- Supply Chain Enhancement: By optimizing supply chains and reducing logistical bottlenecks, we can ensure that food reaches consumers swiftly, reducing costs and wastage.
- Price Monitoring & Regulation: The House supports initiatives to monitor and regulate the prices of essential commodities, ensuring that unscrupulous practices do not exploit Filipinos.
- Import Policies: Reviewing and, if necessary, adjusting our import policies can help stabilize food prices. Strategic imports, when local supply is low, can prevent excessive price hikes.
Vic Somintac