Kamara, tatapusin ngayong araw ang deliberasyon sa Plenaryo ng panukalang 4.5 trilyong pisong budget para sa 2021
Tatapusin ngayong araw ng Kamara ang deliberasyon sa Plenaryo ng panukalang 4.5 trilyong pisong budget sa 2021 ng Duterte administration at isusumite kaagad sa Senado ang kopya ng General Appropriations Bill.
Pero nagbabala ang mga Senador sa posibilidad na mauwi pa rin sa re-enacted budget ang 2021 National Budget ng administrasyon kung sa November 5 pa isusumite sa kanila ang kopya ng Bill.
Hindi rin umano isinaisantabi ng mga ito ang posibleng insertions o pork sa budget.
Samantala, halos tapos na ang deliberasyon sa Plenaryo ng mga panukalang budget para sa 2021 ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Sa nakalipas na 3 araw na special session ay tinapos ng mga Kongresista sa ilalim ng liderato ni House speaker Lord Allan Velasco ang budget ng Department of Education, Department of Tourism, National Security Council, Department of Interior and Local Government, Bureau of Internal Revenue, Commission on Human rights, Department of Information, Communications Technology, National Intelligence Coordinating agency, Department of Energy, Department of National Defense, Department of Health at Presidential Communications Operations Office.
Eden Santos