Kamara tutulong sa rehabilitation ng mga nasirang heritage at cultural site sa Ilocos provinces dahil sa lindol

Nangako si House Speaker Martin Romualdez na tutulong ang Kamara sa pagsasa-ayos ng mga nasirang heritage at cultural site sa Ilocos Norte bunsod ng tumamang magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon.

Sa isinagawang situationer briefing sa Abra kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. umapela si Senadora Imee Marcos na mapondohan ang pagsasa-ayos ng mga nasirang heritage at cultural site sa kanilang lalawigan.

Kabilang dito ang antique na Bantay Bell Tower at heritage houses sa Vigan.

Tiniyak ni Romualdez makakaasa ng suporta si Senadora Marcos para sa paglalaan ng pondo sa rehabilitasyon ng heritage sites na nasira gayundin ang iba pang imprastrakturang naapektuhan ng lindol.

Inihayag ni Romualdez makikipag-ugnayan din ang liderato ng kamara sa mga local government units sa pamamagitan ng mga district representatives, mga gobernador at mga mayor.

Vic Somintac

Please follow and like us: