Kamara umaasang walang masyadong babaguhin ang Senado sa probisyon ng 2023 general appropriations bill
Umaasa ang liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso na walang masyadong babaguhin ang senado sa mga probisyon ng 2023 General Appropriations Bill.
Sa ambush interview kay House Speaker Martin Romualdez sinabi nito na pinag-aralang mabuti ng mababang kapulungan ng kongreso ang bawat detalye ng panukalang pambansang pondo.
Ayon kay Romualdez isa sa inaasahan ng kamara na magkakaroon ng pagkakaiba sa magiging bersiyon ng Senado ay ang mga ginawang adjustment sa mga programmed expenditure ng bawat departamento at ahensiya ng pamahalaan.
Inihayag ni Romualdez na anomang pagkakaiba ng bersiyon ng mababang kapulungan ng Kongreso at Senado sa panukalang pambansang pondo ay aayusin sa Bicameral conference committee.
Naniniwala si Romualdez na bago matapos ang buwan ng disyembre ay maisusumite sa malakanyang ang ratified bicameral report ng 2023 national budget para pirmahan ni pangulong ferdinand marcos jr.
Vic Somintac