Kamote tinawag na superfood dahil sa taglay nitong sustansya na makatutulong sa kalusugan
Kinikilala ang kamote sa pandaigdigang merkado bilang ‘superfood.’
Pinatutunayan sa pag-aaral ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) na ang kamote ay puno ng bitamina, mineral, at ‘micronutrients.
Bukod dito, mababa ang ‘glycemic index’ nito at mataas ang kalidad ng nilalaman nitong ‘dietary fiber.’
Mataas sa calcium ang kamoteng puti, habang ang kamoteng dilaw at kahel ang loob ay mataas ang ‘beta carotene.
Ang kamoteng purple o lila ang loob ay mataas sa ‘anthocyanins.’
Sinusuportahan ng PCAARRD ang mga saliksik na may kaugnayan sa kamote sa nakalipas na sampung taon.
Isinusulong din ng mga ahensya ng gobyerno ang kamote bilang sagot sa kakulangan ng pagkain sa oras ng sakuna at kagipitan.
Ulat ni Belle Surara