Kampanya kontra droga ng Duterte admin, dapat na ituloy pa rin- Sen. Go

Dapat umanong ituloy pa rin ang anti-drug war campaign na sinimulan ng Duterte Administration.

Ito ang iginiit ni Senador Bong Go kasunod ng inihaing Senate bill 428 para sa pagtatayo ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa bawat probinsya sa bansa na pangangasiwaan naman ng Department of Health.

Paliwanag ni Go, kapag naresolba ang problema sa iligal na droga at kasunod na rin ang pagtugon sa kriminalidad at korapsyon.

Batay sa datos aniya ay marami ang nasira ang buhay dahil sa iligal na droga.

Sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency, hanggang nitong Pebrero 2022 ay may 331,694 suspek ang naaresto sa 229,868 drug war operations na isinagawa simula July 2016.

Ang 15,096 rito ay high-value targets.

Umaasa si Go na sa ilalim ng Marcos administration ay mas mapapalakas pa ang anti-illegal drugs campaign.

Giit ni Go, biktima rin ang mga ito na kailangang matulungang magamot para makabalik ulit bilang isang produktibong mamamayan.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: