Kampanya kontra iligal na droga lalong paiigtingin sa Cordillera Region
Aabot sa 10.5 billion pesos ang katumbas na halaga ng illegal drugs ang matagumpay na nakumpiska at sinira ng pinagsanib na puwersa ng PROCOR at PDEA- CAR Operatives sa mula taong 2016 hanggang 2022.
Ang mga nakumpiskang illegal drugs ay kinabibilangan ng shabu, dried marijuana leaves, marijuana seeds, hashish, oil, stalks, seedling resin at fruiting tops.
Ayon kay Regional Drug Enforcement Unit ng PROCOR Head Police Major Roger Giwagiw, noong 2016, nailunsad ang pinakamalaking operasyon sa rehiyon kung saan ay umabot sa 6.6 bilyong halaga ng illegal drugs ang nakumpiska.
Aabot naman sa 2, 548 na drug personalities ang naaresto ng otoridad sa Kordillera dahil sa transaksyon ng ilegal na droga.
Sinabi naman ni PDEA –CAR Regional Director Gil Castro, pursigido ang pamahalaan na na tuluyang matuldukan na ang problema ng illegal na droga sa Kordilyera.
Tiniyak naman ni PDEA –CAR Public Information Officer Rosel Sarmiento, na sa ilalim ng bagong administrasyon ay mas paiigtingin pa nila ang mga kampanya kontra iligal na droga at tiniyak na kakasuhan ang mga drug personalities na sangkot sa naturang illegal activities.
Freddie Rulloda