Kampanya laban sa mga tambay, dapat ipaubaya na lang sa mga Barangay officials – ayon kay Senador JV Ejercito
Walang nakikitang masama si Senador JV Ejercito sa paglipana ng mga
tambay sa mga lansangan.
Ayon kay Ejercito, bahagi na ito ng kultura ng mga Filipino.
Katunayan, nakakatulong aniya ang pagtambay para mabawasan ang
problema o stress dahil nagiging support system ito ng mga taong may
mabigat na problema.
Pero kung ipipilit aniya ng gobyerno ang kampanya laban sa mga tambay,
dapat ipaubaya na lamang ito sa mga Barangay officials.
Kilala kasi aniya ng mga opisyal ng mga barangay ang kanilang mga Kaluga.
Dapat din aniyang maghigpit ang mga tag- Barangay sa pagpapatupad ng
ordinansa lalo na ang pag- inom sa kalsada.
Ulat ni Meanne Corvera