Kampanya laban sa Tuberculosis, lalo pang paiigtingin ng DOH
Batay sa resulta ng isinagawang 2016 National Tuberculosis prevalence survey, sa bawat isang daang libong populasyon sa bansa may mahigit na limang daang Pilipino ang may sakit na Tuberculosis o T.B.
Ayon sa DOH, karamihan sa naturang bilang ay hindi alam na sila ay maysakit sa baga o may T.B.
Sinabi pa ng DOH na mas tumaas ang kasalukuyang datos kumpara sa datos ng WHO noong 2015 na mayroon lamang mahigit na tatlong daang Pilipino sa bawat isang daang libong populasyon ng bansa.
Dahil dito, bumuo ng mga pamamaraan ang kagawaran ng kalusugan para malabanan ang naturang sakit. kabilang dito ang pagtukoy sa mga lugar kung saan mataas ang insidente ng may sakit na T.B., pagpapadali ng gamutan at pagkakaloob ng financial assistance sa mga pasyenteng hindi na kayang magtrabaho sanhi ng nasabing sakit.
Ulat ni: Anabelle Surara