Kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs, malaki ang naitulong sa pagbaba ng crime rate sa bansa-NCRPO

Malaki ang naitulong ng War on Drugs ng Duterte administration kaya bumaba ang antas ng kriminalidad sa bansa base sa pinakahuling survey ng Social weather station o SWS.

Sa panayam ng programang Feedback kay National Capital Regional Police office o NCRPO Chief Oscar Albayalde. bumaba halos lahat ng krimen na nangyayari sa bansa gaya ng pagnanakaw, carnapping, roberry-hold up at motorcycle theft.

Bukod sa pagbaba ng krimen, bumaba rin ang bilang ng mga Pinoy na nangangamba at natatakot s angayon kasunod ng SWS survey.

” Kung makita po natin yung SWS survey ay pababa rin ng pababa rin ang pangamba ng mga kababayan po natin kumpara noon. Ibig sabihin ay pakonti na ng pakonti yung mga insidente ng akyat bahay, yung mga roberry hold-up at mga nakawan sa kalsada”.

Tiniyak naman ni Albayalde na kahit mababa na ang crime rate ay mananatiling naka-alerto ang pulisya at patuloy nilang gagawin ang mga police operations lalu na ang kampanya kontra droga.

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *