Kampanya para sa Fire prevention month ng BFP, umarangkada ngayong araw
Inilunsad na ng Bureau of Fire Protection o BFP ngayong unang araw ng Marso ang kanilang kampanya para sa Fire Prevention month.
Sa pamamagitan ng programang may temang “Ligtas Pilipinas: Rally for a Fire safe Philippines, sinimulan ang motorcade at rally/walk kaninang alas 6:00 ng umaga.
Limang distrito nh BFP sa National Capital Region o NCR ang lumahok sa motorcade na kinabibilangan ng mga BFP Personnel at mga Fire Volunteers mula sa San Lazaro fire station, C-3 road corner Rizal avenue, Macapagal Boulevard; Corner Edsa, Greenhills, Ortigas Avenue; at sa Quezon City memorial circle at sabayang nagtungo sa Rizal Park.
Ang mga kalahok naman sa rally na nagmula sa Intramuros fire station, SM City Manila at sa Paco Park ay sabayang nagtungo din sa Rizal park para sa “Salubungan” sa Quirino Grandstand.
Ang programa sa Grandstand ay dinaluhan ni Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Eduardo Año.
Bahagi ng programa ang Flash mob production number ng 600 fire trainees mula sa National Fire Training Institute sa Laguna at ang Simulation exercise na magpapakita ng kakayahan ng BFP sa pagtugon sa kalamidad gaya ng malakas na lindol.
============