Kampo ni BBM, nanindigan na nagbayad na ito ng tax deficiencies at multa
Nanindigan ang kampo ni Senador Ferdinand Marcos na nagbayad ito ng tax deficiencies at multa sa kaugnay ng kasong tax evasion na isinampa laban sa kanya.
Inilabas ng kampo ni Marcos ang certification mula sa Bureau of Internal Revenue para pabulaanan ang mga paratang laban sa kanya.
Sa dokumento na nilagdaan ni Arsenio Tomeldan, collection section ng BIR sa Region 7B ng San juan, si Marcos ay nagbayad sa landbank ng defficiency sa income taxes kasama na ang multa mula 1982, 1983, 1984 at 1985.
Aabot ito sa 67, 137 ang binayarang tax at penalty ng dating senador batay sa 1997 court of appeals decision.
Pitong petisyon ang nakapeding sa Commission on Elections na humihiling na i disqualify sa pagtakbo si Marcos dahil sa umanoy tax violations.
Pero sinabi ng abogado ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, matagal na nilang hawak ang dokumento at napilitan na silang isapubliko dahil sa walang basehang alegasyon ng mga petitioner.
Meanne Corvera