Kampo ni BBM tiwalang tuluy-tuloy na ang usad ng electoral protest laban kay VP Robredo

Kampante ang kampo ni dating Senador Bongbong Marcos na hindi na ibabasura ng Korte Suprema ang electoral protest na inihain nila laban kay Vice-President Leni Robredo.

Ayon kina Atty. Victor Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, tuluy -tuloy na ang protesta hanggang sa maresolba ito sa katapusan batay sa idinaos na preliminary conference na ipinatawag ng Presidential Electoral Tribunal.

Sinabi pa ni Atty . George Garcia, abogado ni Marcos, interesado ang mga mahistrado ng Korte Suprema sa protesta ng dating Senador.

Katunayan nagpanukala aniya ang isa sa mga SC Justice ng venue kung saan isasagawa ang manual revision of votes.

Binanggit din aniya ng ilan sa mahistrado ang mga paghahanda na kanilang kailangang gawin partikular ang pagkolekta sa ballot boxes mula sa Camarines Sur, Iloilo at Negros.

Ang tatlo ang pilot provinces na ipinanukala na magkaroon ng recount muna dahil doon mayroong major discrepancies sa mga boto sa balota at sa na-transmit sa vote counting machines at certificates of canvass.

Sa kanilang pagtaya posibleng  simulan na ang  pagkolekta sa ballot boxes sa kalagitnaan ng Agosto.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *