Kampo ni dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., nagsumite na sa Korte ng Formal offer of Evidence sa Maguindanao massacre case

Tinapos na ng pangunahing akusado sa Maguindanao Massacre case na si Dating Datu Unsay Maguindanao Mayor Andal Ampatuan Jr. ang pagprisinta ng ebidensya sa kaso.

Ito ay matapos magsumite ang kampo nito ng “Formal offer of Evidence” sa Quezon City Regional Trial Court.

Kabilang sa mga ebidensyang isinumite ay ang minutes of the meeting na ginanap sa municipal hall ng Datu Unsay noong November 23, 2009 kung kailan nangyari ang massacre.

Nais patunayan ng kampo ni Andal Jr., na malabong naroon siya sa pinangyarihan ng massacre dahil siya ay dumalo sa pagpupulong sa municipal hall mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12:30 ng tanghali.

Isinumite rin ng dating alkalde ang mga salaysay ng mga testigo nito.

Natapos ang presentasyon ng ebidensya ni ampatuan jr. mahigit walong taon matapos ang pagsisimula ng paglilitis sa kaso noong enero 5, 2010 at bago sumapit ang ika-siyam na anibersaryo ng krimen.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *