Kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos, nababahala na maging “moot and academic” ang kanilang election protest dahil sa nalalapit na ang 2022 Elections
Posibleng maging moot and academic na lang ang inihaing election protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ito ang inihayag ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez kasunod ng kautusan ng Presidential Electoral Tribunal sa Comelec at Office of the Solicitor General na magkomento sa mga isyu sa protesta.
Ayon kay Rodriguez, nasa ilalim ng totoong banta na maging moot and academic na ang kanilang poll protest dahil sa maiksing panahon na lang bago ang 2022 Elections.
Masasapawan na anya ang protesta nila ng mga aktibidad bago ang halalan tulad ng filing ng kandidatura, kampanya at ng mismong eleksyon.
Mababawasan na rin anya ang “clamor” o pagnanais at karapatan ng taumbayan na malaman ang tunay na nagwagi sa halalan sa pagka- Bise Presidente noong 2016.
Nagpahayag si Rodriguez ng matinding reserbasyon sa nasabing utos ng Justice in Charge sa kaso na si Associate Justice Marvic Leonen.
Sa halip anya na direktang magtuloy sa technical examination at forensic investigation ay pinagkomento pa muna ang poll body at OSG na magreresulta sa matinding delay sa resolusyon ng protesta.
Gayunman, welcome sa kanila ang pagpapatibay ng Tribunal sa validity ng kanilang third cause of action na hiwalay at iba sa manual recount at judicial revision.
We welcome this latest assertion by the Tribunal on the validity of our second cause of action calling for the annulment of the election results in Lanao del Sur, Basilan and Maguindanao as separate and distinct from the manual recount and judicial revision.
Notwithstanding such affirmation, we view with extreme reservation the route chosen by the justice in charge.
Instead of directly proceeding with the technical examination and forensic investigation he lamentendly added another layer that would cause tremendous delay in referring the matter to the Office of the Solicitor General and the Comelec to file their respective Comment.
Considering the very thin time left in the term of the contested position, our protest is under real threat of becoming moot and academic by events leading to 2022 such as the filing of candidacy, campaign and national election that would reduce the clamor and right of the people to know who really won the vice presidency illusory.
-Atty. Vic Rodriguez, spokesperson BBM
Moira Encina