Kampo ni dating Senador Bongbong Marcos, iginagalang ang ipinataw na parusa sa kanila ng PET dahil sa paglabag sa Subjudice rule
Iginagalang ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos ang kautusan ng Presidential Electoral Tribunal na pagmultahin sila dahil sa paglabag sa Subjudice rule.
Ayon sa tagapagsalita ni Marcos na si Atty.Victor Rodriguez, tatalima sila sa desisyon ng Supreme Court na umuupo bilang PET.
Samantala, idinipensa ng abogado ni Vice President Leni Robredo na si Romulo Macalintal ang pagsasalita nila sa media at publiko kaugnay sa election protest.
Iginiit ni Macalintal na wala silang choice kundi magsalita para ipagtanggol ang kanilang panig mula sa umanoy mga kasinungalingan na ipinapakalat ng kampo ni Marcos.
Ito ay upang maliwanagan anya ang publiko sa harap ng anya’y black propaganda ni Marcos na ang layunin ay siraan ang manual recount na pinangagasiwaan ng PET.
Sa ngayon anya ay wala pa silang kopya ng resolusyon ng PET.
Sa nasabing resolusyon, inatasan ng PET ang kampo nina Robredo at Marcos na magbayad ng tig limampung libong piso dahil sa pagsuway sa gag order kaugnay sa isinasagawang recount sa mga boto sa pagka bise presidente noong 2016 elections.
Ulat ni Moira Encina