Kampo ni Dating Senador Bongbong Marcos Nalito sa Desisyon ng Korte Suprema?
Isa sa naging mainit na isyu na pinag-usapan ay ang naging desisyon ng Korte Suprema na umaaktong Presidential Electoral Tribunal kung saan binalewala ang election protest ni dating senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo, na kanyang inihain noong Hunyo 20, 2016 matapos ang presidential elections noong Mayo 2016.
Makalipas ang mahigit apat na taon, nagdesisyon ang Kataastaasang Hukuman bilang Presidential Electoral Tribunal ng unanimous o lahat ng 15 mahistrado kasama ang Punong Mahistrado, na ibasura ang protesta ni Marcos laban kay Robredo sa isinagawang en banc session.
Sinabi ni Supreme Court spokesperson Brian Hosaka na pitong mahistrado ang nagfully concurred habang ang ilan ay sumang-ayon sa pagbasura ng kaso. Sinasabing kaya nabasura ang kaso ay dahil sa kabiguan umano ng kampo ni Marcos na maipakita ang mga detalyadong hakbang o aksyon kung paano nagkaron ng dayaan. Wala umanong ibinigay na impormasyon sa lugar, oras at kung paano ito nangyari. Maliban pa umano sa hindi nadagdagan ang boto ni Marcos sa mga ginawang recount sa tatlong pilot provinces kasama ang probinsya ng Camarines Sur, Negros Oriental at Iloilo.
Lalo pa umanong nadagdagan ang boto ni Roberdo ng 15 thousand na naitala sa 1,510,718 votes kumpara sa 204,512 votes na nakuha ni Marcos. Kaya sa halip na madagdagan ay nabawasan pa. Dahil dito hindi na pagbibigyan ang third course of action ni Marcos na ipawalang bisa ang resulta ng botohan sa tatlong probinsya sa Mindanao na sinasabing ” manipulated” ang resulta.
Kinuha natin ang pahayag ng kampo ng dating senador sa pamamagitan ni Atty. Vic Rodriguez, tumatayong spokesperson. Itinanong natin sa kanya kung natanggap na nila ang opisyal na desisyon ng Presidential Electoral Tribunal? Narito ang bahagi ng kanyang mga naging pahayag sa atin… hindi pa nila natatanggap at mapalad kung in a week’s time ay makuha nila posibleng two weeks or a month pa. Nagre-rely lang anya sila sa kanilang media friends patungkol sa naging desisyon ukol sa election protest, bagaman pinakinggan nila ang press briefing ng Korte Suprema sa pamamagitan ng kanilang tagapagsalita, bagaman wala umano silang nakuhang substantial information, manapa ay nalito pa sila dahil may sinasabing 15-0 unanimous vote na dinismis ang election protest, but we want to take a look at the decision to find out kung ano naman ang sinasabi na may 7/8 voting at may 8/7 voting.
Ito ang ilang bahagi ng ating interview kay Atty. Rodriguez, spokesperson ni dating senador Bongbong Marcos.
So, let us wait and see sa mga susunod pang pangyayari, bagaman ipinahiwatig na ni Atty. Rodriguez na ipauubaya niya kay dating senador Bongbong ang announcement nito patungkol sa nalalapit na eleksyon sa 2022.