Kampo ni dating Senador Marcos at VP Robredo, pinagmumulta ng PET dahil sa paglabag sa Subjudice rule

Pinagmumulta ng Presidential Electoral Tribunal o PET ang kampo nina Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos dahil sa paglabag sa Subjudice rule kaugnay sa nagpapatuloy na manual recount sa VP election protest.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, pinagbabayad ng PET ang mga partido at mga abogado nina Robredo at Marcos ng tig- 50,000 piso.

Ito ay dahil sa pagtuloy na paglalahad sa publiko ng dalawang kampo ng mga sensitibong impormasyon kaugnay sa recount o revision process.

Noong Pebrero ay inatasan ng Korte Suprema na umuupo bilang PET sina Robredo at Marcos na tumalima sa subjudice rule dahil sa nalalapit noon na pagsisimula ng recount.

Muling iniulit ng PET noong Marso na mahigpit na sundin ang nasabing kautusan.

Pero noong Abril ay nagisyu na ng show cause order PET para magpaliwanag ang dalawang kampo kung bakit hindi sila dapat patawan ng contempt dahil sa hindi pagtigil ng pagsasalita sa publiko ukol sa manual recount.

SA ilalim ng sub judice rule, pinagbabawalan ang mga partido sa kaso na magkomento o magsalita sa media kaugnay sa mga nakabinbing judicial proceedings para maiwasan na ma- prejudge ang isyu at maimpluwensya ang korte at madesisyunan lang ang kaso batay sa mga ebidensya.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *