Kampo ni Janet Napoles lumiham sa DOJ para mailipat ang kustodiya sa NBI

Hiniling ni Janet Lim Napoles sa Department of Justice na mailipat ang kustodiya niya sa National Bureau of Investigastion mula sa Bureau of Corrections.

Ito ay matapos ipawalang sala ng Court of Appeals si Napoles sa kinaharap na kasong illegal detention, na isinampa ni Benhur Luy.

Ayon kay Atty. Stephen David, abogado ni Napoles, dapat nang mailipat ng kustodiya ang kanyang kliyente  dahil ang BuCor ay para lamang sa mga convicted na preso.

Paliwanag pa ni David, sa kustodiya ng NBI nagpapalipat si Napoles kasunod ng naging pahayag ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre na maaaring magsilbing state witness si Napoles sa pagsisiyasat sa pork barrel scam.

Bagaman sumulat na sa DOJ ang kampo ni Napoles, hihintayin pa rin nila ang kautusan mula sa korte kung tuluyan nang aalisin ang businesswoman sa kustodiya ng BuCor.

Ulat ni: Madelyn VIllar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *