Kampo ni Mayor Alice Guo sa korte na lang sasagutin ang isyu sa tumugmang fingerprint nito sa Chinese citizen na si Guo Hua Ping

Tumanggi na magkomento sa ngayon ang kampo ni suspended Bamban Mayor Alice Guo sa findings ng NBI kung saan nabatid na pareho ang fingerprints ng alkalde at ng Chinese national na si Guo Hua Ping.

Sinabi ng abogado ni Guo na si Atty. Stephen David na wala silang oportunidad na masuri ang mga dokumento at mga testigo kaya masyado pang maaga para magbigay sila ng pahayag.

Ayon kay David, masisiyasat lang nila ito sa proper forum o sa korte.

Inaasahan ng panig ni Guo na gagamitin ang NBI findings at iba pang mga dokumento sa hukuman kaya doon na lamang sila magbibigay ng komento sa isyu.

Nausisa ang ukol sa pagkamamamayan at pagkakakilanlan ni Guo na sinasabing sangkot sa iligal na operasyon ng POGO sa Bamban dahil sa late registration ng birth certificate nito.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *