Kampo ni Patricia Bautista, itinangging may nagpopondo sa kanya para siraan si Chairman Bautista
Itinanggi ng kampo ni Patricia Bautista ang alegasyon na may nagpopondo sa kanila para sirain si Commission on Elections Chairman Andy Bautista at sirain ang kredibilidad ng 2016 elections.
Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, legal consultant ni Ginang Patricia, kung may mga ganitong agam-agam laban sa kanila dapat ay kumilos na ang COMELEC para imbestigahan ang kanilang chairman.
Kumbinsido si Kapunan na bahagi lamang ito ng depensa ni Chairman Bautista upang mailihis ang isyu sa kanyang ill-gotten wealth.
Kasabay nito, binalewala ni Kapunan ang qualified theft at coercion na isinampa ni Chairman Bautista laban kay Patricia.