Kampo ni VP Robredo naghain ng counter-manifestation sa Korte Suprema kaugnay sa kinukwestyong outing ng mga PET head revisors at revisor ni Robredo

Naghain ng counter-manifestation sa Korte Suprema ang kampo ni Vice-president Leni Robredo kaugnay sa kinukwestyong outing ng mga PET head revisors at party revisor ni Robredo.

Sa kanilang counter-manifestation, hiniling nila sa Supreme Court na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal na ilabas ang kopya ng CCTV footage na kuha dalawang linggo na ang nakakaraan kung saan makikita na nagdala ng snacks ang kampo ni dating Senador Bongbong Marcos para sa swimming sa Pansol.

Dinala raw ang snacks sa ika-apat na palapag ng Court of Appeals kung saan isinasagawa ang recount o revision of ballots.

Iginiit ng isa sa abogado ni Robredo na si Emil Marañon na mapapatunayan sa footage na hindi lang alam kundi nagpadala pa ng pagkain ang kampo ni Marcos sa swimming outing sa Laguna.

Ayon pa sa counter-manifestation, nagsagawa na ng imbestigasyon ang PET ukol sa naganap na outing at napatawan na ng penalties ang mga sangkot.

Sinabi pa ni Marañon na sumama sa kanyang personal na kapasidad ang isang party revisor ni Robredo.

Kung alam lang anila na pupunta ito ay hindi nila ito papayagan.

Pero walang nakikitang mali ang kampo ni Robredo sa outing dahil labas naman daw ito sa trabaho ng mga revisors at paraan para sila makapag-relax.

Una nang tinawag na kasinungalingan ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty Vic Rodriguez  ang pahayag na alam nila ang ukol sa outing at nagpadala sila ng pagkain dahil nalaman lang nila ito nang makita ang litrato na inupload sa Facebook.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *