Kamuning fly over isasailalim sa Retrofitting
Para masigurong magiging matibay pa ang Structural integrity ng Kamuning fly over nakatakda itong sumailalim sa Retrofitting simula sa April 25.
Ito’y para maisaayos din ang tulay bilang paghahanda na din sa posibleng pagtamang the big one sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Public Works and Highways o DPWH, kailangan nang i-retrofit ang nasabing tulay dahil na din sa kalumaan nito .
Sinabi naman ni DPWH Inspector Engineer Paul Chua ,importante din ang gagawin nilang retrofitting sa tulay para mapaghandaan ang anumang mapaminsalang kalamidad na posibleng tumama lalo na sa Metro Manila.
Sa kabuuan tatagal ng labing isang buwan ang proyekto pero aniya gagawan naman ng paraan ng DPWH na mas mapabilis pa ito.
Pinawi naman ng DPWH ang posibleng pangamba ng publiko lalo na ng mga motoristang madalas dumaan sa nasabing fly over na safe pa rin naman itong gamitin ay wala silang dapat na ipag alala.
Magiging by phase ang flow nang pagsasaayos sa nasabing tulay ibig sabihin makakadaan pa naman din ang mga sasakyan dahil hindi naman magiging total closure ang gagawin.
Samantala tiniyak naman ng Metro Manila Development Authority o MMDA na magiging maayos ang lagay ng trapiko sa panahon ng repair.
Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes may labing anim pang concrete re blocking sa ibat ibang lugar na isasagawa na kung saan pinayagan ng mmda na makapag repair ng 24 oras ang dpwh.
Makikipag pulong din ang MMDA sa PNP at LGU’S para makatuwan din ang mga ito sa pagsasaayos ng trapiko.
Tuloy tuloy pa din clearing operation ng MMDA para mapaluwag pa ang mga Mabuhay lanes na dadaanan ng mga motorista sakaling magsimula na ang repair sa fly over.
Bukod sa Kamuning flyover may road reblocking din na gagawin ang DPWH simula April 5 na tatagal naman ng tatlong linggo.
Earlo Bringas