Kamuning flyover southbound lane, isasara sa mga pribadong sasakyan simula sa May 1
Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga motoristang dumaraan sa Kamuning Flyover south bound lane, na planuhin na ang kanilang biyahe dahil sa nakaambang pagsasara nito sa Mayo 1.
Sinabi ni DPWH- NCR Planning Section Chief Brian Briones na ang pagsasara ay para sa gagawing retrofitting at re-decking sa flyover, na isa sa mga kritikal na tulay na nanganganib na gumuho kapag tumama ang the Big One o ang malakas na lindol sa bansa.
Sinabi ni DPWH-NCR Planning Section Chief Engr. Brian Briones, “Kasama ung edsa kamuning sa 14 bridges na identify ng JICA na critical bridges once tumama ang the big one [jump to] kasi kung ung buhay tulay umiksi usually kailangan magconstruct ng bago skapag nagconstrucr bago mas mahal saka mas malaki effect.”
Marami na aniyang mga bitak ang flyover at nangangailangan din na patatagin ang ilalim nito.
Magsisimula ang proyekto sa April 25, pero ang aktuwal na closure ng Kamuning Flyover ay magsisimula ng May 1 na tatagal ng limang buwan o hanggang October 25.
Nagsagawa ngayong araw ng coordination meeting ang MMDA kasama ang mga opisyal ng DPWH, PNP- Highway Patrol Group at mga apektadong LGU sa Quezon City.
Ayon kay MMDA Chairperson Atty. Don Artes, naglatag na ng mga alternatibong ruta na puwedeng daanan ng mga apektadong motorista.
Kabilang sa mga ito ang Panay Avenue sa Brgy South Triangle mula sa EDSA Quezon Avenue, at ang EDSA Service Road mula Timog Avenue.
Inaasahan ng MMDA ang pagbibigat ng trapiko sa lugar kaya inaabisuhan ang mga motorista na malayo pa lang ang mga ito sa Kamuning Flyover ay kumanan na sa mga alternatibong daanan.
Ayon kay MMDA Chair Romando Artes, “Talagang mag-eembudo dahil imagine mo ilang lanes yan magmerge sa side road na service road na dalawang lanes, so talagang kailangan iwasan yung lugar wag magsama-sama doon, dumaan na sa alternative routes even before dumating sa kamuning flyover.”
Magsasagawa rin ng clearing operations ang MMDA sa mga alternatibong ruta para matiyak na walang sagabal sa mga daan.
Pero ngayon pa lang ay hinimok na ni Artes ang mga residente sa mga alternate routes na huwag nang mag-illegal park sa mga daan.
Ani Artes, “Magkusa nang mag-alis dahil soon kung hindi sila magkusang mag-alis magkakaroon ng clearing operations at kapag clearing operation alam. impound natin ilegally park titiketan natin.”
Nilinaw ng MMDA na tanging ang mga bus ng EDSA Bus Carousel ang papayagan na makadaan sa Kamuning flyover.
Pero maaaring payagan sa flyover ang mga emergency vehicle depende sa sitwasyon.
Moira Encina