Kanang kamay ng bayaw ni Osama Bin Laden, ipapadeport matapos maaresto sa Mindanao

Matapos maaresto sa Mindanao, ipadedeport ng Bureau of Immigration (BI) pabalik sa kanyang bansa ang Jordanian na tinuturong kanang kamay umano ng bayaw ni Osama Bin Laden.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente,  si Mahmoud Afif Abdeljalil ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng BI, militar at pulisya sa Zamboanga city noong Hulyo 4.
   
Iligal aniyang nakapasok sa bansa si Abdeljalil na una na ring naaresto sa bansa at naipadeport noong 2003.              

Gumamit umano ito ng pekeng pangalan kaya nakapamalagi sa bansa ng ilang taon bago ito muling nahuli.

Nabatid na matagal ng minomonitor ng mga awtoridad ang galaw nito matapos mamataan sa isang check point sa Zamboanga noong Agosto ng nakaraang taon kasama ang isang Algerian.              

Si Abdiljalil ay point man umano ng bayaw ni Bin Laden na si Mohammed Jamal Khalifa at katuwang sa pangangasiwa ng mga charity organizations na nagsusuplay ng pera sa Al Qaeda at Abu Sayyaf group.

Si Khalifa ay napatay noong 2007, habang sa panahong iyon din bumalik ng bansa si Abdiljalil na sinasabing patuloy pa rin umanong nagbibigay ng pinansyal na suporta sa Abu Sayyaf.

Ulat ni Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *