Kandidatura ni VP Leni, napasok ng mga rebeldeng komunista – Senador Lacson
Nanindigan si Senator Ping Lacson na napasok ng mga rebeldeng komunista at may suporta ni Joma Sison ang kandidatura ni Vice president Leni Robredo.
Ito’y kahit pinabulaanan na ni Sison ang report na sinusuportahan nito si Robredo.
Ayon kay Lacson, nakita niya ang video ng lantarang pagsuporta ni Sison kay Robredo at katandem nitong si Senador Francis Pangilinan.
Hindi niya raw masabi kung may nangyari at kung ano ang kasunduan ng kampo ni Robredo at Sison pero nakakabahala ito.
Sana raw maging matalino ngayon ang mga botante dahil kung magtatagumpay na naman ang mga rebelde, hindi malayong bumalik na naman ang insurgency.
Isa rin aniya ito sa mga dahilan kaya sa una pa lang hindi siya pumayag sa alok na alyansa ng grupong one sambayan.
Hindi raw siya tutol sa anumang ipinaglalaban ng mga rebelde pero pag nahaluan na ng pag-aarmas at pagpapabagsak sa gobyerno hindi na ito makatarungan.
Si Lacson ang unang inalok ng koalisyon ng one sambayan noon para maging kinatawan ng oposisyon na sasabak sa pampanguluhang eleksyon na tinanggihan ng Senador.
Iginiit ni Lacson na maayos na ang ginawang sistema ng Duterte administration sa paglaban sa mga komunista.
Meanne Corvera