Kanlurang Estados Unidos, tatamaan ng heatwave
May namumuong mapanganib na heatwave sa ilang bahagi ng kanlurang Estados Unidos, kaya nagbabala ang forecasters sa lubhang pagtaas ng mga temperatura na unang mararamdaman bago ang isang posibleng ‘brutal’ na summer para sa rehiyon.
Ang temperatura ay inaasahang lalampas pa sa 100 degrees Fahrenheit (38 degrees Celsius), kung saan ang ilang lugar ay makararanas ng hanggang 30 degrees above normal ngayong taon.
Babala ng National Weather Service (NWS), “Southwestern desert areas and California’s Central Valley fruit basket were set to be particularly unpleasant. Widespread temperature records are expected to be tied or broken across much of the aforementioned areas.”
Ang mga temperatura sa Death Valley ay nakatakdang umabot ng 122F ngayong Huwebes, habang ang Las Vegas ay maaaring dumanas ng 112F na init.
Ang forecasters ay nagpalabas na ng ‘excessive heat’ warnings sa ilang bahagi ng Nevada, Arizona at California, na ang init ay inaasahang aabot sa ‘inland.’
Ayon sa NWS, “Little overnight relief will make for dangerous conditions for those without effective cooling and/or adequate hydration.”
Sinabi naman ng Environmental Protection Agency (EPA) ng California, “Certain groups were particularly at risk. Extreme heat is an invisible but dangerous consequence of climate change, and California’s outdoor workers, seniors and children are particularly vulnerable.”
Ang Southern Texas ay nakararanas na rin ng napakainit na mga temperatura, kung saan ang border city ng Rio Grande ay inaasahang makararanas ng temperaturang singtaas ng 117F.
Binabantayan ng forecasters sa Estados Unidos ang development ng isang ridge of high pressure, na magdadala ng nakapanlalatang dagdag na init mula Mexico.
Sa huling bahagi ng nakaraang buwan sa Mexico City, na karaniwang may katamtamang klima, ay naitala ang pinakamataas na temperaturang hindi pa naranasan doon.
Sinabi ng mga opisyal na dose-dosenang katao ang namatay sa paulit-ulit na pagtama ng heatwaves na halos pumaso sa bansa, at daan-daang iba pa ang nagkasakit.
Ayon sa mga eksperto, maaaring makaranas ng mas malala pa rito.
Babala ni Francisco Estrada, coordinator ng Climate Change Research Program sa National Autonomous University of Mexico, “This year is on course to be ‘the warmest’ year in history.”
Sumang-ayon ang global scientific community, na ang pagbabago ng klima na gawa ng tao ay nagpapainit sa planeta sa isang nakababahalang bilis.
Batay sa isang ulat noong nakaraang buwan, ang mundo ay dumanas ng average na 26 na dagdag pang mga araw ng ‘extreme heat’ sa nakalipas na 12 buwan, na malamang na hindi nangyari kung walang climate change.
Nakasaad sa naturang report ng Red Cross Red Crescent Climate Centre, World Weather Attribution scientific network at ng nonprofit research organization na Climate Central, na 6.3 bilyong katao o halos 80 porsiyento ng populasyon ng mundo, ang nakaranas ng hindi bababa sa 31 araw ng extreme heat noong isang taon.
Ayon sa European Union climate monitor na Copernicus, “The year 2023 was the hottest on record, and 2024 is not shaping up to be any better, with Pakistan, India and China already walloped by extreme temperatures.”