Kapag masakit ang ngipin mo
“Isang ngipin na masakit, buong katawan ang lumalangitngit.”
Alam n’yo maraming dahilan ng pagsakit ng ngipin at pangunahin ay tooth decay lalo na sa mga bata.
Kapag masakit ang ngipin , hindi makapasok sa school.
Kapag empleyado , absent din sa work. Kung tutuusin , isa lang ang ngipin na masakit, magtataka ka kung bakit buong katawan ang sumasakit?
May kinalaman ito sa mga ugat natin.
Kaya mahalaga ang oral health, kasi ang pinakamalaking ugat sa ulo which is the trigeminal nerve, ito ang biggest nerve sa cranial nerves natin.
Maraming uri ng toothache. Pero , bago ‘yan, bakit ba sumasakit ang ngipin?
Posibleng umabot na kasi sa ugat ng ngipin ang pagkabulok, which is preventable sana kung nadala agad sa dentista.
Hindi naman lingid sa lahat, tayong mga Pinoy, hindi pupunta sa dentista unless, napakasakit na ng ngipin, tama?
Alam n’yo po ba na ang pain, yung kirot ay may time?
Once na umabot na sa isang minuto pataas, reversible damage na ito.
Ibig sabihin, nasa acute stage na.
Dito lumalabas na talagang kapag oral health , neglected ng mga Pinoy .
Puntahan natin ang causes ng toothache.
Ang pagsakit ng ngipin ay puwedeng manggaling sa sakit sa gilagid (puno na ng bacteria ang gums kaya namamaga na).
Ang ginagawa ng marami, nagse-self medicate kapag masakit ang ngipin nila.
Ang sakit sa panga na nagra-radiate sa leeg papuntang balikat ay may kaugnayan sa heart attack. Posibleng may naipit na ugat kaya nagkaganun at ang pagsakit ng ngipin ay sintomas lamang .
Maaari din naman kaya masakit ang ngipin, akala ay bulok ang mga ngipin pero, ang sinus ang namamaga .
Talagang dapat ay bumibisita talaga tayo sa dentista o sa isang Functional Dentist.
Samantala, kapag masakit ang ngipin, gawin na magmumog ng maligamgam na tubig na may asin.
Salt is a pain reliever (anti-bacterial at antimicrobial), pero, siyempre, best pa rin na magpatingin sa dentista.