Kapakanan ng mga guro isa sa prioridad ni Pangulong Duterte kaya nilagdaan ang RA 11713
Kahit nasa huling yugto na nang panunungkulan nananatiling prioridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapakanan ng mga guro sa bansa.
Sinabi ng Pangulo na ito ang dahilan kaya nilagdaan niya ang Republic Act 11713 o An Act Further Strengthening Teachers Education in the Philippines.
Nakasaad sa binabanggit na batas ang pagpapalakas sa Teacher Education Council na magbibigay ng ibayong proteksiyon sa mga guro.
Nasa bagong batas din ang pagkakaroon ng Scholarship Program para sa mga estudyante na nagnanais pumasok sa teaching profession at pagpapalakas sa National Educators Academy of the Philippines.
Ipinag-uutos din ng batas ang pagkakaroon ng pondo para patatagin ang kapakanan ng mga guro sa bansa.
Vic Somintac