Kapalaran ng mga opisyal ng MWSS, dedesisyunan ni Pangulong Duterte sa linggong ito
Malalaman sa linggong ito ang magiging kapalaran ng mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Ito’y matapos matanggap ng Pangulo ang konkretong report ng MWSS kaugnay ng dahilan ng pagkakaroon ng kakulangan ng supply ng tubig sa Metro Manila at karatig lalawiga na sinusuplayan ng Manila Water.
Una ng nagbanta ang Pangulo na sisibakin niya sa puwesto ang mga opisyal ng MWSS na kakikitaan ng pagpapabaya sa kanilang tungkulin gayum din ang pagrepaso sa kontrata ng dalawang water concessionaire na Manila Water at Maynilad.
Ipinahiwatig din ng Pangulo sa kanyang speech sa campaign sorties ng mga kandidato ng administrasyon sa Tuguegarao Cagayan na sinadya ang ang water shortage sa Metro Manila kaya pananagutin niya ang may kasalanan.
Matatandaang ipinatawag ng Pangulo sa Malakanyang noong Marso 19 ang mga opisyal mg MWSS, Manila Water at Maynilad at pinagalitan na ayusin ang serbisyo ng supply ng tubig dahil sa malaking perwisyong idinudulot nito sa publiko.
Ulat ni Vic Somintac