Kapalaran ni BOC Commissioner Nicanor Faeldon sa isyu ng drug smuggling nasa kamay ni Pangulong Duterte ayon sa Malakanyang
Tiyak na hindi palalagpasin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu ng illegal drug smuggling sa Bureau of Customs o BOC na nagkakahalaga ng 6.4 bilyong piso.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na pinag-aaralan nang Pangulo ang magiging aksiyon sa nabunyag na drug smuggling sa BOC.
Ayon kay Andanar batid ng publiko kung gaano kaseryoso ang Pangulo sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Inihayag ni Andanar na hahayaan muna nilang makapagpaliwanag si BOC Commissioner Nicanor Faeldon sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado at mababang kapulungan ng Kongreso sa isyu.
Hinihiling ng ilang mambabatas ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang ulo ni Faeldon dahil sa pagkakalusot ng 6.4 bilyong pisong halaga ng shabu sa Adwana.
Ulat ni: Vic Somintac