Kapalaran ni PNP Chief General Oscar Albayalde sa isyu ng ninja cops, nasa kamay ni DILG Sec. Eduardo Año- Pangulong Duterte
Nasa resulta ng isasagawang imbestigasyon ni Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Eduardo Año ang magiging kapalaran ni Philippine National Police o PNP Chief General Oscar Albayalde sa isyu ng mga Ninja Cops.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibabatay niya ang kanyang magiging desisyon sa rekomendasyon ni Secretary Año.
Ayon sa Pangulo anomang resulta ng imbestigasyon ni Secretary Año ay kanyang rerepasuhin bago maglabas ng desisyon.
Sa ngayon ipinanawagan ni Senador Richard Gordon Chairman ng Senate Blue Ribbon ang pagbibitiw sa tungkulin ni General Albayalde dahil sa isyu ng mga Ninja Cops na nagrerecycle ng mga nakukumpiskang ilegal na droga.
Ulat ni Vic Somintac