Karagdagan pang mga Covid testing centers, bubuksan ng Phil. Red Cross

Magbubukas pa ng 20 mga Covid testing ang Philippine Red Cross para paspasan ang pagsusuri sa mga pasyenteng mga sintomas ng  covid 19.

Ayon kay Senador Richard Gordon, Chairman ng PRC, makatutulong ang mga bubuksang testing centers para alalayan ang mga Local Government units na pabilisin ang proseso sa pagtukoy sa mga posibleng nahawa ng virus.

Sa Metro Manila aniya nakapagbukas na sila ng anim na laboratoryo na kayang magsagawa ng 9,000 hanggang 12,000 tests kada araw.

Sinabi ni Gordon na sa ngayon, tinutulungan nila ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa pagsusuri  sa mga ginawang Covid test sa ibat-ibang ospital.

Marami aniyang na pending na trabaho sa RITM dahil marami sa kanilang staff ang nagkasakit na.

Sa ngayon under construction na aniya ang mga testing centers sa Subic, Clark, Batangas at UP Los Baños.

Statement of Senator Gordon:

The PRC is working very hard, round the clock, and with only 1/3 of our people able to come to work, to keep our testing center up and running and to keep setting up new ones. We are going to open about 20 laboratories throughout the entire country,”

Story by: Meanne Corvera


Please follow and like us: