Karagdagang 1.5 milyong doses ng Sinovac vaccine na binili ng gobyerno, dumating sa bansa
Karagdagan pang 1. 5 milyong doses ng Sinovac vaccine na binili ng pamahalaan ang dumating sa bansa.
Alas-8:01 ng umaga ng Sabado, July 17 nang lumapag sa NAIA Terminal 3 ang mga bakuna sakay ng Cebu Pacific flight 5J671.
Ayon kay Dr. Ariel Valencia, the Director for Supply Chain Management Service ng Department of Health, ipamamahagi ang mga nasabing bakuna para sa second dose rollout matapos makapag-isyu ng certificate of analysis sa nasabing kargamento.
Valencia said the vaccines will be properly distributed to local government units after a certificate of analysis is issued for the shipment.
Dinala na ang mga bakuna sa Pharmaserv, cold storage facility sa Marikina City.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 14.5 million ang kabuaang Sinovac vaccine na dumating sa bansa kabilang na dito ang mga donasyon ng Chinese government at binili ng mga private sector at lokal na pamahalaan.