Karagdagang 2 milyong doses ng Sinovac na dumating sa bansa, ipamamahagi sa NCR Plus 8 at iba pang Covid-19 high risk provinces
Tiniyak ng gobyerno na madaragdagan ng suplay ng bakuna kontra Covid-19 ang National Capital Region, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal dahil sa pagdating ng karagdagang 2 milyong doses ng Sinovac vaccine.
Alas-7:20 kagabi nang dumating sa Bay 49 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang mga bakuna.
Sinabi ni National Task Force (NTF) against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Galvez Jr., maliban sa NCR Plus 8 ay ilalaan din ang mga bakuna sa mga lalawigang may mataas na kaso ng Covid-19 virus.
Prayoridada aniya sa vaccination program ang mga highly-urbanized center gaya ng Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant.