Karagdagang 5.57M doses ng Pfizer vaccines mula sa COVAX facility, naideliver ng US sa Pilipinas
Karagdagang 5,575,050 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines mula sa COVAX facility ang naideliver ng US sa Pilipinas mula Oktubre 1 hanggang 6.
Ayon sa US Embassy, ang mga bakuna ay inihatid sa limang magkakahiwalay na shipments sa mga nabanggit na petsa sa Manila, Cebu, at Davao.
Sinabi ng embahada na ang mga nasabing bakuna ay bahagi ng 500 million doses ng Pfizer vaccines na ibinahagi ng US sa COVAX para makatulong sa paglaban sa COVID-19 sa buong mundo.
Sa datos ng US Embassy, umaabot sa 21.6 million doses ng COVID vaccine mula sa COVAX ang naihatid ng US sa Pilipinas.
Kabilang na rito ang mahigit 8.8 million doses ng bakuna na donasyon ng Estados Unidos.
Moira Encina