Karagdagang elevator at escalator sa LRT-2, na-restore at operational na
Mas giginhawa na ang biyahe ng mga mananakay ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2), matapos maisaayos at maging operational na ang karagdagang escalators at elevators nito.
Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), hanggang noong Mayo 17, 66 sa 72 escalators at 40 elevators ng LRT-2 ang gumagana na.
Layon ng rehabilitasyon na mapagbuti pa ang accessibility ng rail service sa publiko, partikular sa mga nakatatanda, buntis, at mga taong may kapansanan.
Pahayag ng LRTA . . . “The LRTA’s top priority is to ensure that everyone, especially the mobility-challenged train riders — the elderly or senior citizens, pregnant women, and persons with disabilities (PWDs) — can easily move around its stations and board its trains.”
Ang 17.69 na kilometrong haba ng LRT- 2 line ay mayroong 13 istasyon mula Recto sa Maynila hanggang Masinag sa Antipolo City. Tinatayang aabot sa 300,000 katao ang sumasakay rito araw-araw.