Karagdagang Health at Safety measures sa Ilagan City, Isabela, ipinatupad dahil sa biglaang pagtaas ng kaso ng Covid-19
Umakyat na sa 194 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Ilagan City, Isabela.
Ito ay mula sa kabuuang 1,441 na kaso ng Covid-19 sa lunsod.
Nasa 1,217 naman ang mga nakarekober at 29 na ang namatay sa karamdaman.
Ayon sa Pamahalaang Panglunsod, pumapalo sa 13.37 ang average daily attack rate sa syudad kung saan itinuturing na itong high-risk.
Dahil dito, nagpatupad ang City Government ng number coding scheme para sa mga pumapasadang tricycle sa lunsod.
Alinsunod sa Executive Order No. 16 ni Ilagan City Mayor Josemarie Diaz, isang pasahero lamang ang maaaring isakay sa kada biyahe ng tricycle.
Epektibo ang kautusan kahapon, Abril 6, 2021.
Erwin Temperante, EBC Correspondent