Karagdagang isolation facility sa Ilocos Norte para sa mga COVID-19 patients, itinayo
Isa pang isolation facility ang itinayo ng DPWH sa Ilocos Norte para sa mga pasyente na may mild symptoms ng COVID-19.
Ayon sa Ilocos Norte Provincial Government, kabuuang 60 isolation rooms ang idinagdag sa probinsya sa harap ng patuloy na pagdami ng nahahawahan ng virus sa bansa.
Ito na ang ikatlong DPWH-funded isolation facility sa Ilocos Norte.
Sa kasalukuyan ay may mahigit 140 higaan para sa COVID patients sa DPWH property sa Laoag City at Takuat Center, San Nicolas.
Sinabi naman ni Governor Matthew Marcos Manotoc na malapit nang mapuno ng mga pasyente ang Governor Roque B. Ablan Sr. Memorial Hospital at ang Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center kaya mahigpit ang screening ng mga kailangang i-admit sa mga pagamutan.
Moira Encina